Kabanata 37: Liwasan (Part 2) Liwasan - parke o plasa Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan ay bumalik na kami sa kwarto ko. Ang lamig agad sa loob. Syempre ang aircon sinusulit ng mga ‘to at mga ‘di naman nagbabayad. Joke, mga bisita naman sila. Tsaka mahal ko naman ‘tong mga ‘to. Mga nanonood na pala sila ng movie. Si Mylene naman ay nahiga at iidlip daw muna. Nakaupo lang sa sahig sina Jaydee at Lyca kaya naman nilatagan ko sila ng sapin para doon na rin kami ni Ali. May naisip na naman akong kalokohan. Habang nakadantay ang likod ko sa kama ko ay inabot ko ang phone ni Mylene na nasa gilid niya lang. Tumayo ako na kunwari ay may aayusin lang o kukunin sa isang bag sa kanila na magkakasamang nakakumpol. Inilagay ko yung phone sa bag ni Jaydee tapos ipinailalim ko para hindi

