Kabanata 38: Liwasan (Part 3) Liwasan - parke Bumaba kami sa Beige Road at hinintay ang jowa ni Lyca. Ang tagal din naming naghintay. Mag alas-singko na pero wala pa rin siya. Pero syempre tiis-tiis lang dahil wala naman kaming magagawa. “Iwan ka na namin, Lyca. Sunod na lang kayo.” Biro ko sa kaniya. “Aba, uwian na tayo.” Biro niya pabalik. Kaya naman naisipan muna naming mag-picture-picture habang inaantay ang jowa ni Lyca. Nasa may mapunong bahagi kami ng daanan. Kaniya-kaniyang porma at awra sila roon tapos nag-groufie din. Maya-maya pa ay sa wakas dumating na rin siya. Panay hingi siya ng paumanhin sa amin pero ayos lang naman. Sumakay na ulit kami at maaga naman kaming nakarating. Kaso dagsa na ang tao at naghanap na lang kami ng matatambayan na kita ang palabas mamaya. Nag-pi

