Maya maya ay lumitaw din si King Leligan sa mismong kanan ko, at bago pa nito maigalaw ang katawan para umatake, mabilis ko ding pinagsaklop ang dalawang palad, sabay bumalot din agad ang gray sand wall mula sa paa nito pataas sa buong katawan hanggang sa leeg niya. Kaya't napatigil ko ang kilos niya. Pero pansamantala lamang yun dahil mabilis ding kumislap ang gray eyes nito't, sabay kumawala ang malakas na gray lightning shockwave sa kaniyang katawan. Nagkabitak ang sand na nakabalot sa kaniya't tumalsik ito papalayo't paikot na sinipa ang kanang leeg ko. Sinalag ko ang kanang braso ko rito, pero dahil may gray lightning din sa paa niya malakas yung tumama't nagpatalsik sa akin. Bumangga ako't tumagos sa nawasak na gray sand wall ko. Tumilapon ako ng halos 20 meters lang din mula rito.

