Si Sir Hanami naman ay tahimik lamang at si Ruk na nasa tabi niya'y ganun din. Kunting katahimikan, nang bigla nalang din namang may mabilis na bumulusok isang dagger mula sa usok, at nung tatama na ito sa mismong noo ng isang knight na nasa bandang gilid lang ni Sir Hanami, mabilis niya itong nasalo't pabalik na inihagis dun sa usok at nakarinig kami ng sigaw at pagbagsak. At nang mawala din ang usok nayun nakita nga namin ang isang nakahandusay na white knight sa bandang labasan ng gate, na may nakatarok na dagger sa dibdib. "Isa lang ang kalaban?" naguguluhang bulong naman ni Ryan sa tabi ko't nanatili na lamang din akong tahimik. Pero nang akmang magsasalita na ulit ang headmaster, bigla naman ding may nagsigawang mga white knights na nagpapakita sa blindspots ng labasang gate, at

