93

3941 Words

Sa kaparehong araw at oras na nilusob ang West Camp. Ganun din ang nangyaring paglusob sa South Camp. Nitong tanghali lang din namin yun nalaman galing sa mensaherong kanilang pinadala rito. Sinabi sa sulat na ang taong nakamaskara ang personal na lumusob sa kanila kasama si King Leligan. Sa kasawiang palad, marami rin ang namatay sa nangyaring gulo roon at mabuti nalang, dahil sadyang umatras ang mga kalaban sa hindi malamang dahilan. "Ayos lang ba sina Sir Jeshin at Sir Ruk?" tanong naman ni Dengki. Nandito kami sa gubat banda at nakaupo. Ako ang nagbabasa ngayon sa sulat kaya't sinagot ko si Dengki. "Wala sa mga guro natin ang nasawi sa laban. Pero ang mga binatang knights. Walang nagtagumpay." Napabuntong-hininga naman ito dahil sa narinig. Bale, sina Sir Hanami, Sir Jeshin, at si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD