"Siguradong kapag nalaman ni Komander Revin ang nangyari sa dalawang kampo ngayon, at sa kasalukuyang sitwasyon din ng East Camp dahil nakaligtas lang ito sa pag-atake ni Liune Kakojen, malamang iiwan na rin nila ngayon ang East Camp at babalik na rin ngayon sa Vendrisal Kingdom." Mahabang paliwanag ko't hinarap silang tatlo. Maliban sa Headmaster na humihilik pa. "Kung ganun, babalik din ba tayo sa Vendrisal?" tanong ni Lerri. Sinukbit naman ni Dengki ang bag sa balikat niya. "Mukhang ganun na nga." Tumango ako bilang tugon. Si Ryan nama'y tumayo na at inakmang kukunin ang bag sa tabi, pero kaagad ko na din siyang pinigilan at boluntaryong kinuha ito para ako na ang magdala. "Salamat ha?" Ngumiti lang ako rito. Nagising nadin ang Headmaster. At wala naman siyang tutol sa desisyon na

