Year 1998 "Let's date. As a girl and a guy. I won't take no as an answer," ngisi kong sambit at akmang lalabas na ng kwarto nang bigla nalang siyang humarang sa pintuan. "Are you teasing me or what?" tanong nito. Hindi ko tuloy alam kung naiirita ba siya o ano. "No," sagot ko. "Seryoso ako. I like you romantically. Don't you like me? If no, why did you kissed me?" Bahagyang napaawang ang bibig nito na parang nagulat sa reaksyon ko. "What? I like you of course," sagot nito. "Then, let's date. Wala ka nang magagawa. Isusumpa kong hindi ka mananalo sa congressional swim meet kapag hindi ka pumayag o baka hindi ka na magkakaasawa for-" Naputol ang sinasabi ko nang bigla niya nalang akong halikan ulit. Mabilis lang 'yon. Parang sinadya lang patahimikin ang bunganga ko. "Dami mo pang sina

