ANYA Ngayon ko lang din napagtanto na may pagka-chismoso pala itong si Brian kaya napailing na lang ako. Sana lang talaga ay h'wag nila akong lapitan. "Happy birthday to the Sy twins! Sabi ko hindi ako magsasalita pero inilagay pa rin siguro ako nu'ng abnormal niyong Kuya sa listahan. Sa t'wing pumupunta ako sa bahay niyo noon, sobrang liit niyo pa. Look at you both now! I don't want to prolong my speech so yeah, may all of your dreams come true. Happy birthday again to the both of you!" Sabi niya at bago ito umalis ay tumingin siya sa gawi ko at kinindatan ako. Nagulat ako sa ginawa ni Kuya pero mas nagulat ako sa sinabi ni Glenn. "Hala! Ako ba yung kinindatan ni Kuya Andrei?" "Hindi. Halatang si Iya kaya 'wag kang assumero d'yan." Sabi ni Pat kay Glenn kaya naman nagulat ako. "H-Ha

