ANYA "I'm not. Maybe I will if I'm one of them." Ang nasabi ko na lamang para tapusin na ang usapan. Nagpatuloy ang party nang hindi ako tumatayo o gumagalaw lamang sa pwesto ko. Tumayo sina Glenn at Pat kanina para kumuha ng desserts at hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Inilabas ko rin ang phone ko para hindi na magpunta ulit si Andrel kapag hindi na naman ako nakapagreply. Naramdaman ko ang vibration nito kaya napatingin naman ako kung sino ang nagtext. Andrel: Uuwi na sina Dad. Maiiwan pa kami. Napatingin naman ako sa gawi nila at nakita ko ngang tumayo na sina Tito at Tita. Mukhang magpapaalam pa muna bago tuluyang umuwi. Sakto namang kakabalik lang nina Glenn at Pat nang tumayo ako. "Sorry, saglit lang." Paalam ko bago ako pumunta sa table ng mga Monteclaro. Wala nam

