YANA, (YEAR, 2001) "Sino kaya ang biglang nag-walkout?" Hindi ko na siya sinagot. Inirapan ko na lang siya saka sumakay sa pick-up matapos pagtulungan ng maid namin at ng driver na mailagay lahat ng pinamili namin sa likod ng kotse. Kaagad din namang sumunod si Sabrina na pabulong-bulong pa at bahagya pa akong tinulak bago siya umupo. Sinamaan ko lang siya ng tingin sa ginawa niya pero hindi na ako nagsalita pa. Hays. Hindi ko talaga na talaga maalala kung kailan ang araw na hindi kami nagkakapikon ng kapatid kong ito. Pero siguro, normal na naman yata iyon sa magkakapatid lalo na't sabi ko nga, isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Wala akong ibang ginawa buong weekend kundi ang mag-aral o kung hindi naman ang buwesitin ako ng kapatid ko. Natuwa lang yata ako nang sumapit ang Lunes.

