"Pero nagpakita kapa rin naman sa akin diba?! Nagpakita kapa rin kaya walang silbi ang plano mong pekeng pagkamatay." "Alam ko yun. Kaya nga ako nagsusuot dapat ng maskara hanggang ngayon. Para naman kahit magtagpo ang landas natin. Hindi mopa din ako makikilala at hindi mo malalamang buhay pa ako. At matatanggap mona talaga ang pagkawala ko. Pero kahit alam mong buhay ako, alam kong hindi mo ako makikita at hindi ko hahayaan yun. Ang importante sa akin ay ang mawala na ako." Hindi siya nakatugon. Nalilito siya na naiinis. Kita ko ang panginginig ng kamay niya. Rinig ko ang malakas na t***k ng dibdib niya. Ang kaniyang nahihirapang mga paghinga. "Kung ganun, bakit mo tinanggal ang maskara mo?" tanong niya't tila may pumipigil na sa boses niya. Siguro wala pa siyang pahinga simula sa pag

