Ang litrato ay ang aking batang mukha. Nakangiti kahit hindi pa kompleto ang ngipin. Nasa bisig ako ni Mama at si Papa ang kumuha ng litrato. Kaya wala siya rito. Hindi kona matandaan kung ano ang edad ko nang mga panahong ito. Napabuntong-hininga ako't nilinis muna ang side table bago muling nilagay dun ang picture frame. Sa huling pagkakataon, nilibot ko ang paningin sa paligid at tsaka nadin nagpasyang lumabas. "Sabi na nga bang ikaw talaga yun." Pero nagulat naman ako't napalingon sa gilid. Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng hagdanan pababa. Hindi ako kaagad nakatugon rito habang titig kami sa isa't-isa. Kailan pa siya nakarating dito? Nang bumaba naman sa hawak niyang bag ang tingin ko, nalaman ko din naman agad ang dahilan. "Bakit ka nandito?" tanong ko naman rin sa kaniya.

