Napamulat ako nang mata nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Anya. Nakita ko ang pagpasok niya sa kwarto kung saan ako inaayusan at kung saan din ako magbibihis. Nakasimangot siyang lumapit saakin. Suot na niya ang pink gown niya. Hindi ko makakailang maganda rin naman ang kapatid ko. Hindi kami, tulad ng ibang magkakapatid na magkamukha. Kami ni Sabrina, hindi. Siguro, dahil nakuha ko ang feature ng mukha ni Mommy, samantala si Sabrina naman, medyo may pagkakahawig ni Daddy. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa pagsimangot niya. Pero napangiti rin ako nang may inilahad siya saaking box ng regalo. Tinanggap ko iyon, "Thank you.." I said. Kahit hindi kami madalas magkasundo ni Sabrina, may pagkakataon din namang sweet kami sa isa't isa. Lalo na kapag birthday ng isa saamin,

