55

3287 Words

Tuluyan na akong pumasok at tinungoko ang paligid."Pero bakit parang kinakabahan ang lahat dito? Kung mangkukulam siya, kaya naman nilang kontrahin iyon, tama?" "Iba ang mangkukulam na si Vivian. Malaking gulo ang nagawa niya dito sa Shugosha blue at sa pamilyang nagmamay-ari nito dalawang dekada na ang nakakalipas. Isang malaking tagumpay ng Supremo noon bilang isang ordinaryong guardian pa lang, na mapaalis siya mula sa teritoryo nila." "Kung ganon...bakit sila nag-aalala?" "May usap-usapan na ipinanganak ang mangkukulam na may itim na mahikang bumabalot sa loob ng kanyang katawan. Walang nakakaalam kung saan talaga siya nanggaling. Usap-usapan din na anak siya ng isang diyablo. At nagbalik siya pagkatapos ng napakahabang panahon. Sigurado akong mas malakas na siya kumpara sa dati."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD