Lumakas ang hangin sa paligid. At nang tumigil ito'y nabigla ako sa aking nakita na naging dahilan rin para mabilis akong mapatayo. 50 meters ang distansya, mula ngayon sa may entrance part nitong kampo na kaharap lamang din namin, may isang pigura kaming naaaninag na naglalakad papalapit dito. Puti ang balabal na suot nito kaya't sigurado kaming hindi kakampi ang isang 'to. Nakatago sa kaniyang likuran ang dalawang kamay, at nakatago ang mukha sa suot na hoodie. Kaya't hanggang ilong lang niya ang nakikita namin at hindi ang kaniyang mga mata. Isa din ba 'to sa malalakas na miyembro ng White cloaks bandits? Malabong si Kakojen 'to. Malabo ring yung taong nakamaskara dahil nga nakikita namin ang ibabang parte ngayon ng mukha niya. Huminto ang lalaki mga sampung metro ang layo ngayon sa

