Wala akong kuwenta. Hinayaan kolang kayong mamatay." saad ni Dengki habang nakaharap kami sa dalawang bangkay nina Felkon at Alden. Napansin kona lang din ang mahinang hagulhol nito na yukong napaluhod sa lupa. Nakatabon ang braso sa kaniyang matang hindi na tumitigil ngayon sa pagluha. Hinawakan ko naman ang ulo nito at napabuntong-hininga. "Hindi man lang nila nakita muli si Ace bago sila namatay." bulong pa nito kaya't napa squat nadin ako sa gilid niya't marahang hinahagod ang kaniyang likod. Sina Lerri at Ryan nama'y hindi narin napigil ang sariling luhang umagos at pilit pinipigil ni Lerri na huwag humagulhol pero hindi niya kaya. "Naiintindihan kita. Masakit talagang mamatayan ng kaibigan." bulong ko naman rito at mas lalo pa siyang umiiyak. "Hoy, Felkon. Alam mona bang nakaba

