Kanina pa tulala si Dorothea habang kinakausap siya ng pamilya niya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi na normal ito, ilang beses na nangyari ito pero isang halos oras na itong nangyayari. Napabaling siya sa katabi niya nang hawakan siya nito. Ang mama niya. Kanina pa ito umiiyak habang niyayakap siya ng mahigpit, ang papa niya ay nakangiting nakaupo sa harapan nila at katabi nito ang kapatid niya. Naguguluhan siya, tinatawag siyang Theodora ng mga ito at ang kapatid niya ay Gary. Napaigtad siya nang haplusin siya ng mama niya sa mukha. “Napakaganda mo pa rin, anak. .” Natigilan siya dahil doon. Napakaganda? Hindi niya malaman kung inaasar ba siya nito o hindi. Simula bata pa lang siya ay naririnig na niya sa mga tao na baka raw hindi siya tunay na anak. Dahil maganda ang ma

