Nagmamadaling bumaba si Dorothea dahil sa pagtataka kung bakit sira ang pinto ng kwarto niya. Dahil ba magdamag siyang hindi lumabas at kumain? Sumama lang naman ang loob niya sa mama niya dahil sa pag-aaway nila. Pagbaba niya ay walang tao, pero nagtataka siya dahil medyo magulo ang bahay. Wala rin pagkain, araw-araw naman ay nagluluto ang mama niya. Hindi rin siya ginising nito, hindi tuloy nakapasok. Anong nangyari? Umupo siya sa sofa habang nakapikit, nag-iisip. Naalala niya bigla ang panaginip niya, sobrang haba nito at ngayon ay nararamdaman niya pa rin na parang totoong nangyari iyon. Hindi niya maiwasan na manghinayang, para sa kanya ay napakaganda ng panaginip na iyon. Dahil doon ay maganda siya, walang nanlalait sa kanya, lahat ay gustong makipagkaibigan sa kanya at sweet sa

