kabanata 14

2158 Words
“Akala namin ay hindi ko na ulit babalik.” Wala sa sarili na nakaupo si Dorothea sa harap ng pamilya niya. Ngayong sigurado na siya na hindi ito panaginip at ang weird ng pakiramdam niya, para bang dalawa na ang katauhan niya. Sa mundong ito, Theodora ang pangalan niya. At dahil nanatili siya sa tunay niyang mundo ng buong araw ay nawala rin siya dito ng gano’n katagal. Nag-iwas siya ng tingin. “May inasikaso lang ako saglit.” “Gano’n ba?” Ngumiti ang kanyang mama. “Ayos lang sa’min iyon, anak. Ang gusto ko lang ay magpaalam ka sa amin sa susunod, sobra kaming nag-alala.” “Pasensya na po,” aniya. “O’sya, mag-asikaso ka na para sa pagpasok mo.” Tumango siya at umakyat. Pagpasok niya ay sa kwarto ay hindi muna siya kumilos, umupo siya sa higaan at nilibot ang tingin sa paligid. Napatitig siya sa isang drawer na nandoon. Gusto niyang malaman kung anong klaseng katauhan siya meron sa mundong ito. Bukod sa pagiging sobrang maganda, gusto niyang malaman kung ano ang ugali nito. Wala naman kahit ano sa drawer, may ilang mga scratch paper lang. May ballpen, at isang I.D. Theodora Costanza Pati pala apelyido ay pareho sila. Hindi na siya nagulat na kamukhang-kamukha niya ang nasa picture, pero mas mahaba ng konti ang buhok nito sa kanya. Sa expression pa lang ng mukha ay alam na niya na kaugali niya ito, para bang sawang-sawa na itong mabuhay. Natawa siya habang pinagmamasdan niya iyon. Sa mundong ito ay itinuturing na maganda ang itsura niya, kaya bakit kahit gano’n ay parang kapareho niya pa rin ito na galit sa mundo? Kung siya ito ay wala na siyang hihilingin pa. Ngumiti siya at naalala ang mga kaklase niya, bigla siyang na-excite pumasok. Boyfriend niya nga pala si Kaleb dito! Pero dito ay Blake ang pangalan nito. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng pamilya niya sa totoo niyang mundo dahil nawala na naman siya. Pero wala naman siyang magagawa dahil hindi niya naman kontrolado ang pagpunta rito, ni hindi niya nga alam kung paano ‘yon nangyayari. Pero. . tutal ay nandito na siya sa mundo kung saan gusto siya ng lahat. Bakit hindi niya pa enjoy-in? Nagmamadali siyang nag-asikaso para pumasok. Nang dumating siya sa school ay pinagkakaguluhan siya tulad ng inaasahan niya. Sina Jonas at Dion ay tinatawag nila rito na Jason at Dino, kung doon sa earth ay binubully siya ng mga ito— dito ay halos halikan siya ng mga ito sa paa. Nakita niya rin ang magandang si Halsey, kahit dito ay sobrang maganda ito. Pero sa mundong ito ay ito ang binubully dahil pangit ito. Tinatawag nila siyang Ashley. Ngumiti siya. Buti nga sa kanya. “Theo!” Napaangat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ni Lorena, kumakaway ito mula sa pinto. Hindi niya maiwasan na mapangiti, nandito na ang totoong maganda. Ang Elnora sa mundo nila. “Ano ba ‘yan, hanggang ngayon ay dikit pa rin nang dikit kay Theo,” inis na sabi ni Diana, na sa mundo nila ay Nadia ang pangalan. “Ang kapal nga ng mukha,” sabat ni Ameline, na Melanie ang pangalan sa mundo nila. Salitan niyang pinagmasdan ang mga ito. Sa earth, lagi siyang inaasar ng mga ito dati pa dahil sa pagdikit-dikit niya kay Elnora. Hindi niya maiwasan na mainis para kay Lorena, alam niya kung ano ang nararamdaman nito. ‘Yung pakiramdam na porket pangit ka ay wala ka nang karapatan na magkaroon ng kaibigan na maganda. “‘Wag niyo na ulit sasabihin ‘yan tungkol kay Lorena,” sabi niya sa iritadong tono. “Siya lang ang itinuturing kong kaibigan dito.” Natigilan ‘yung dalawa at agad naman na nag-sorry ang mga ito. Hindi siya makapaniwala, ganito pala ang pakiramdam ng maging maganda. Pakiramdam niya ay hawak niya ang lahat ng tao. Lumapit sa kanya si Lorena nang umalis ‘yung dalawa. Nginitian niya ito, bakit kaya sobrang lambot ng puso niya sa kaibigan niya? Simula kasi una pa lang ay naging mabait na ito sa kanya, mapa-Elnora man ito o Lorena. “Theo, si Blake ay hinihintay ka sa labas.” Nagliwanag ang mukha niya nang marinig iyon. Nandyan na ang gwapo niyang boyfriend! Lumabas agad siya kaya’t sinundan siya ng tingin ng lahat, at nang lumapit siya kay Blake ay nakarinig siya ng bulong-bulungan. “Totoo pala talaga ang usap-usapan!” “Grabe, bakit pinatulan iyan ni Theo?” “Ayaw ko pa rin maniwala!” Hindi niya pinapansin ang mga iyon. Pinagmasdan niya lamang si Blake na nakatayo ngayon sa harapan niya, ang other-self ng ultimate crush niyang si Kaleb. Ngayon ay boyfriend niya na ito at nahalikan pa. Nakakahiya lang ang naging first kiss nila dahil minadali niya ito, akala niya kasi ay panaginip lang ito noong una. Pero ngayon, hindi na niya mamadaliin ang lahat. “Theodora, bumalik ka na sa loob,” mahinang sabi nito. “Pinag-uusapan ka nila dahil sa’kin.” Kumunot ang noo niya at sumimangot. Oo, pangit ito para sa mga tao na nandito. Pero sa mundo nila ay sobrang daming nagkaka-crush dito! Ang mahalaga ay kung sino ang gwapo sa paningin niya, wala siyang pakialam sa standards ng mga tao rito. “Wala akong pakialam sa kanila,” sabi niya at matamis na ngumiti. “Diba, boyfriend kita?” Natigilan ito, at maya-maya ay unti-unting napangiti ito bago tumango. “Akala ko ay hindi ka seryoso ro’n. .” Magsasalita na sana siya nang mapasubsob siya sa dibdib ni Blake dahil may bumangga sa likod niya. Inis na nilingon niya iyon at handa nang manigaw pero halos lumuwa ang mata niya nang makita niya ang mukha ng nakabangga sa kanya. Si Amsel! Hindi pala, ang kamukha ni Amsel! Nakahawak ito sa may dingding, halatang may tumulak dito. Nilipat niya ang tingin sa estudyanteng nakatayo sa likod niya. Halos mapamura siya nang makita ang kamukha ni Darien, hindi niya maiwasan na mabadtrip dahil sa mukha nito. Pati ba naman sa mundong ito ay salot pa rin ito? At hindi niya matanggap na ang mga gwapo sa mundo nila ay binubully lang sa mundong ito! At lalong hindi niya matanggap na ang hayop na manyak na Darien pa na ito ang nambubully kay Amsel the second. Tiningnan niya iyon ng masama. “Ikaw ba ‘yung tumulak sa kanya?” “Uh. .” “‘Wag kang makialam,” sabat ng kamukha ni Amsel. Napanganga siya. “Tinutulungan lang nama—” “Hindi ko kailangan ng tulong ng mga taong katulad mo,” sabi nito at tinalikuran siya. Pero bago pa ito makalayo ay binatukan na ito ni Darien kaya’t napayuko ito. “Gago ka, bakit ganyan mo kausapin si Theo?” tanong nito at babatukan pa ulit sana ngunit pinigilan niya. “Tigilan mo na ‘yan!” sigaw niya. Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang nakikita na ginaganito si Amsel, kahit hindi naman talaga ito ‘yung kilala niya na Amsel. Nasanay kasi siya na matapang ito at hindi nagpapatalo sa iba. Lumingon sa kanya si Amsel, hindi niya pa ang pangalan nito dito. Akala niya ay may sasabihin ito ngunit tiningnan lang siya nito ng masama bago ito naglakad palayo. Hindi makapaniwala na sinundan niya lamang ito ng tingin. Bakit ba galit sa kanya ito? Naramdaman niya ang paghawak sa kanya ni Blake. “Ayos ka lang ba, Theo?” Wala sa loob ng tumango siya. Maya-maya ay dumating ang teacher, hindi niya alam kung bakit hindi mawala sa isip niya ang taong kamukha ni Amsel. Sinulat niya ang pangalan nito, hinuhulaan kung ano ang pangalan nito sa mundong ito. Amsel. Masel? Lesam? Lames? “Salem?” Napalingon siya kay Lorena na katabi niya nang magsalita ito, kumunot ang noo nito habang tinitingnan ang notebook niya. “Salem?” tanong ni Dorothea. “Para kasing bumubuo ka ng pangalan,” sabi nito. “Tapos nabuo ‘yung pangalan ni Salem sa isip ko.” Kumunot ang noo niya. “Si Salem ba ‘yung lalaki kanina na nakabangga sa’kin?” “Oo, ‘yung tinulak ni Randie.” Tumango-tango siya. Salem pala ang pangalan ni Amsel sa mundong ito, at Randie naman si Darien. Salem Esguerra. Sinulat niya iyon ng buo sa notebook niya. “Interesado. . ka ba kay Salem?” Nag-aalangan na tanong ni Lorena. Halatang dismayado ang boses nito. Agad na tumaas ang kilay niya. “‘Wag mong sabihin na pati sa mundong ito ay may gusto ka pa rin sa kanya?” “A-anong ibig sabihin mong pati sa mundong ito?” Mabilis siyang umiling dahil sa gulat. “Wala.” “Uh,” nahihiyang ngumiti ito. “Dati, sinabi ko na sayo na may gusto ako kay Salem. .” Napabuntong-hininga siya. Hindi siya makapaniwala na pareho pa rin ang taste ng kaibigan niya sa mundong ito. Ibig sabihin ba no’n ay hindi lang itsura talaga ang nagustuhan ng kaibigan niya sa lalaking iyon? “Anong nagustuhan mo sa kanya?” tanong niya. Nag-iwas ito ng tingin at nakita niya ang pamumula ng pisngi nito. “Hindi ko alam, pero ang pinaka-nagustuhan ko sa kanya ay lalaking-lalaki siya kung gumalaw. Oo, hindi siya gwapo tulad nina Randie pero may kakaiba talaga sa kanya na hindi ko maipaliwanag.” Hindi siya kumibo. Ganitong-ganito rin kasi ang pagkakasabi ng kaibigan niya no’n, pwera lang na kay Kaleb nito ikinumpara si Amsel. Hindi na siya nagsalita, na-curious siya kay Salem. Dahil doon ay mas lalo niyang naisip si Amsel, naaalala niya na nag-chat ito sa kanya noong gabi bago siya makatulog. Inaway niya rin ito kahit na sumama ito para hanapin siya no’ng nawala siya. Ngayon kaya ay hahanapin pa siya ulit nito? Wala na naman kasi siya sa mundo nila dahil nandito siya. Ano na kayang ginagawa nito? Ayaw niyang umasa, baka kasi nagpapakasaya ito ngayon sa piling ng magandang babae na nakita niyang kasama nito. Naramdaman niya ang pagsikip ng kanyang dibdib. Napanguso siya at wala sa sarili na sinulat ng maraming beses ang pangalan nito sa papel niya. Amsel, Amsel, Amsel “Sino si Amsel?” tanong nito Lorena. Halos mapatalon siya sa gulat, mabagal siyang umiling at isinara ang notebook niya. “Wala, kakilala ko lang. .” “Nakilala mo siya noong nawala ka?” Tumango na lang siya para matapos ang usapan. Natapos ang klase na lutang ang pag-iisip niya, naiinis lang siya na nandito siya sa mundong ito ngunit nasa isang tao sa totoong mundo niya ang isipan niya. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili. “Maganda ka rito, Dorothea. ‘Wag mong sayangin ang pagkakataon, enjoy-in mo lang,” bulong niya sa sarili niya. “Lahat ng nandito ay gusto ka, ‘wag mong isipin ang taong hindi ka gusto.” Uwian nang ihatid siya ni Blake sa bahay nila. Hindi niya maintindihan ang sarili niya, akala niya na porket kamukha ni Kaleb ang taong iyon ay kikiligin na siya ng sobra. Pero sa lagay na ito, wala siyang nararamdaman na kahit ano. Sa una lang ay na-excite siya dahil sa wakas ay naging kasintahan niya na ito. Pero ngayon ay nagsisisi siya sa desisyon niya. Simula nang makita niya ang kamukha ni Amsel ay nawalan siya ng gana kay Blake. Dahil ba alam niya na hindi ito ang totoong Kaleb? “Anak, tingnan mo ito. May kumukuha na naman sa iyo.” Napalingon siya sa phone na ipinapakita ng mama niya nang lumapit ito sa kanya. Naningkit ang mata niya nang makita ang nandoon. Modelling agency iyon. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan iyon. Kinukuha siya bilang isang model? Gaano kapangit ang taste ng mga tao rito na talagang kinukuha pa siyang model? Literal na kabaliktaran talaga ang beauty standard dito! “Hindi kita pinipilit na gawin ito, Theo. Alam ko na ayaw mo ng ganito—” “Payag ako,” agap niya kaya nanlaki ang mata nito, ngumiti siya ng malapad. “Gusto kong maranasan iyan, kailan iyan?” “Sigurado ka?” tanong nito, nanlalaki pa rin ang mata. Excited siyang tumango. “Gagawin ko iyan, lahat ng io-offer sa’kin. Kahit saan pa ‘yan, basta modelling ay gagawin ko!” Napatili ang mama niya dahil sa sobrang tuwa, mahigpit siyang niyakap nito habang tumatalon. “Theo, hindi mo alam kung gaano ako kasaya!” sabi nito. “Simula bata ka ay tinatanggihan mo ang lahat ng kumukuha sayo, ngayon ay hindi na talaga masasayang ang kagandahan mo!” Pilit na ngumiti siya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi, wala kasi itong ideya kung gaano pagtawanan ang itsura niya sa totoong mundo niya. Pero ayaw niya munang isipin iyon. Habang nandito siya sa mundong ito ay kakalimutan niya ang lahat ng nasa totoong mundo niya. Sisiguraduhin niyang eenjoy-in niya ang lahat. Gagawin niya ang lahat ng mga bagay na hindi niya normal na nagagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD