kabanata 15

2339 Words

Pagkagising ni Dorothea kinabukasan ay nagulat siya nang hindi pa rin siya bumabalik sa tunay niyang mundo. Inaasahan niya na pagkagising niya ay maingay na bunganga ng mama niya ang maririnig niya. Ngunit hindi, nagising siya sa alarm clock. At ang lahat ay tinatawag pa rin siyang Theodora. Hindi mapakali na nakaupo siya ngayon sa loob ng room nila, kasama niya si Lorena na kanina pa siya pinapanood. Nagtataka ito sa kinikilos niya. “May problema ba, Theo?” tanong nito. Mabagal siyang umiling. Hindi niya naman pwedeng sabihin na kaya natataranta siya ay dahil hindi pa siya bumabalik sa earth. Pero, teka. . anong tawag nila sa earth sa mundong ito? “Lorena,” aniya. “Anong tawag sa mundo natin?” “Ha?” Nilingon niya ito. “Sa mundo natin, anong tawag?” “Htrae?” Hindi siguradong sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD