“Mama! Papa! Gray!” Tumitiling bumaba ng hagdan si Dorothea dahil sa sobrang tuwa nang magising siya sa earth kinabukasan. Nakabalik na siya! Nasa totoong bahay na nila siya! “Nandito na ako!” hiyaw niya. Nawala ang ngiti niya nang pagbaba niya ay walang tao, magulo ang mga gamit na akala mo’y hinalughog ng mga magnanakaw. Kumabog ng malakas ang dibdib niya, umakyat muli siya at binuksan ang lahat ng mga kwarto ngunit walang tao. “A-anong nangyari?” Napakuyom siya ng kamao at tumatakbo ulit na bumaba, lumabas siya ng bahay at nakitang sira-sira rin ang lamesa na ginagawa ng papa niya tapos ay magugulo ang mga tools nito. Napatakip siya sa bibig niya. Anong nangyari? Bakit ganito ang naabutan niya? Excited siyang makabalik! Akala niya ay magiging ayos ang lahat pagbalik niya ngunit

