Dumating ang hapon, halos maggagabi na. Kanina pa magkausap sina Roldan at Arnold, hindi pa rin makapaniwala si Dorothea na nakikita niyang magkasama ang dalawa. Kung hindi lang magkaiba ng damit ang mga ito ay malilito talaga siya dahil magkamukhang-kamukha ang mga ito. “Ate Melissa, gutom ka na ba?” tanong niya kay Melissa na inaayos ang mga gamit sa bag nito. Lumingon ito sa kanya. “Hindi pa naman.” “Sabihin mo kapag nagugutom ka na a,” aniya kaya tumango ito. Tapos ay nagbaba siya ng tingin kay Amsel na ginagawang hita ang unan niya, ang mukha nito ay nakaharap sa tiyan niya. Akala niya nga kanina ay tulog ito, pero makarinig lang ito ng konting kalabog ay dumidilat na agad. “Amsel. .” Hindi ito nagdilat. “Hmm?” Hinaplos niya ang buhok nito kaya mabagal itong nagdilat at nag-an

