“Paano tayo makakadaan nito?” tanong ni Roldan habang nagtatago sila sa mga kalaban. Hindi nila alam kung bakit ganito na lang karami ang mga kalaban ngayon na humahabol sa kanila. May nakaalam ba kung nasaan sila? Tumingin si Dorothea, hinihintay niya itong sumagot pero hindi ito nagsalita. Sinisilip lang nito ‘yung mga kalaban na labas-masok sa mga bahay. Nakatago lang sila sa gilid ng isang malaking sasakyan, hawak siya ni Amsel sa kanang kamay at hawak niya si Melissa sa kabila. Si Roldan ay katabi ni Amsel sa unahan. Si Gwen, iniwan talaga nila. Hindi kaya ni Dorothea na makasama pa ang babae na iyon. Atleast, si Melissa ay ginawa iyon dahil nag-aalala ito para kay Amsel. Pero si Gwen ay ginawa lang iyon dahil lang sa naiinggit ito sa kanya, para itong si Elnora. At ayaw niyang

