Kinabukasan ay hindi malaman ni Dorothea kung bakit antok na antok si Amsel, parang hindi ito nakatulog. Pagkatapos niya maligo ay naabutan niya si Amsel at Roldan na nag-uusap, nakatayo ang mga ito sa may kusina. Nandoon din si Gwen, si Melissa ay tahimik na nakaupo sa sofa. Lumingon agad sa kanya si Amsel at si Gwen ay nagawa pang umirap, inirapan niya rin ito pabalik at tawa naman nang tawa si Roldan. Pati si Melissa ay napangiti. “Aalis tayo maya-maya,” sabi ni Amsel kaya tumango siya. “Maya-maya?” tanong ni Gwen. “Kung gano’n, maliligo na rin ako—” “Hindi kayo kasama,” pagputol ni Amsel sa sasabihin nito kaya nanlaki ang mata nito. “Hindi kami kasama? Iiwan niyo kami rito?” Tumingin si Amsel kay Roldan, hindi pinansin si Gwen. “Kung gusto niyong sumabay papunta sa Emerald Stree

