Hindi alam ni Dorothea ang gagawin habang inaayos ni Amsel ang mga gamit nila. Tumutulo pa ang dugo sa pisngi nito, pati sa balikat. Si Melissa ay nakatayo sa gilid, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Sinubukan nitong kausapin si Amsel kanina ngunit hindi siya pinansin nito. “Amsel,” mariin na sabi niya kaya tumigil ito at bumaling sa kanya. “Ipagamot mo muna kay ate Melissa ang sugat mo.” “Oo, gagamutin ko ‘yan! K-kukunin ko lang ang mga gamit,” agap ni Melissa at akmang lalabas na sana ng kwarto pero nagsalita si Amsel. “Tapos anong kapalit?” malamig na tanong ni Amsel. “Ibibigay mo ulit si Dorothea sa mga kalaban?” Natigilan si Melissa at agad na napahikbi. “G-ginawa ko lang ‘yon dahil nakita ko kung gaano na karami ang mga sugat mo, Amsel! Nakita mo ba? Gusto ka na rin nilang pat

