Kinaumagahan ay tahimik na kumakain sina Dorothea, hindi siya makatingin ng diretso kay Amsel. Bigla niyang naramdaman ang lahat ng hiya sa nangyari kagabi. Masakit ang katawan niya kahit wala naman siyang ginawa, at kanina nang umihi siya ay masakit din. “Gusto mo pa?” Mabilis siyang napalingon kay Amsel dahil sa tanong nito, kumunot ang noo nito at naningkit ang mata sa kanya. Bumagsak ang mata niya sa tinapay na hawak nito na ibibigay sana sa kanya. Naiilang siyang natawa. “A-akala ko kung ano. .” “Bakit? Anong nasa isip mo?” “W-wala!” Kinuha niya ang tinapay na binibigay nito at kinagatan iyon. Natatawang pinanood siya ni Amsel, si Melissa ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. “Nagkabati na kayo?” tanong nito. Nanlaki ang mata niya. “Uh. . hindi naman kami nag-away e.” “Ay,

