Kahit nasa banyo si Dorothea ay pinigilan niya agad ang pag-iyak niya dahil ayaw niyang makita iyon ni Melissa. Nakita niya sa salamin na namamaga ang kanyang labi, may lumalabas din na dugo ro’n. Nagpaalam siya na maligo kay Melissa kahit nasa loob pa rin siya ng banyo, sumigaw na lang siya ng konti at sumagot naman ito Bilisan niya lang kaya natapos agad siya. Naabutan niya si Melissa na nakatayo sa gilid ng nakaupo na si Amsel, nililinis ang sugat sa balikat. May mga nakalatag na kagamitan sa lamesa. Agad na dumapo ang mata sa kanya ni Amsel kaya nag-iwas agad siya ng tingin, pasimple niyang tinatakpan ang bibig niya. Kunwari ay kinakamot niya lang ang ilong niya. “Anong nangyari rito?” tanong ni Melissa na halos kalkalin ang sugat ni Amsel sa loob, napapangiwi si Dorothea doon. Hi

