Kanina pa tulala si Dorothea, pinagmamasdan niya si Amsel. Duguan ito at hindi niya alam kung bakit, may sugat ito sa ulo at ang saksak nito sa braso ay lumala. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari ngunit hindi pa niya nakakausap si Amsel. Tulog ito ngayon sa higaan dito sa kwarto sa bahay nina Kaleb para magpahinga, natatakot siya dahil kahit isa sa mga sugat nito ay hindi pa natatahi. Tinapalan niya lang mga sugat nito tapos ay inikutan niya ng benda, iyon lang ‘yon. Hindi naman niya kayang tahiin ang mga iyon. Paano kung maubusan ng dugo si Amsel? Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan na naman ang mapahikbi, tumutulo lang ang luha niya. Ang daming tumatakbo sa isip niya, sana ay hindi niya na lang hinayaan ito sa gusto nito na maghiwalay muna sila. Pinunasan niya ang lu

