Habang naglalakad sila ay kanina pa tinitingnan ni Dorothea ang phone niya, nagbabakasakali siya na baka may mga lugar na merong signal. Gusto niyang ma-contact sina Kaleb para malaman niya kung nasaan ang mga ito. Kahit hindi siya sigurado kung kasama ba ng mga ito ang pamilya niya. Sana lang ay maayos ang lagay ng mga ito. Sa ilang araw na ‘yon, inisip niya na hindi makikita ang mga ito dahil nasa underground. Paano nalaman ng mga kalaban iyon? Dahil ba kay Elnora? Hindi niya namalayan na humigpit ang pagkapit niya kay Amsel kaya napalingon ito sa kanya, napaangat siya ng tingin dahil doon at saka lang siya natauhan. “Anong nasa isip mo?” tanong ni Amsel. Umiling siya. “Wala, iniisip ko lang sila mama. Wala tayong ideya kung saan natin sila hahanapin.” “Matalino si Kaleb kaya sigur

