Napadilat si Dorothea nang maramdaman niya na nilalamig siya, nagtatakang nilibot niya ang tingin niya sa paligid dahil wala si Amsel. Kanina lang ay magkayakap sila nito habang natutulog. Tumayo agad siya at hinanap ng tingin ang backpack ni Amsel, wala iyon. Kinakabahan na binuksan niya ang banyo, wala. Lumabas siya ng bahay, wala pa rin. Hindi makapaniwala na napatayo lang siya ro’n. Pilit iniisip ang nangyayari, bakit wala si Amsel? Iniwan ba siya nito? Umiling siya ng maraming beses, imposible ‘yon. Pumasok muli siya sa loob ng bahay, dumapo ang tingin niya sa lamesa. Baka may iniwan itong sulat, baka kasi umalis lang saglit at babalik agad. Pero wala rin gano’n. Nagsimula siyang lukubin ng takot. Napaupo siya sa sofa habang nanginginig. Iniwan siya ni Amsel? Bakit? Nanlaki ang

