Ang bilis ng lakad ni Amsel kaya halos tumakbo siya para makahabol sa bilis nito, ang laki kasi ng bawat hakbang nito. “Amsel! Teka!” pagpigil niya ngunit hindi ito tumigil hanggang sa makarating sila sa parking lot ng isang commercial building. Buong lakas niyang hinila ang kamay niya kaya nabitawan siya ni Amsel, napatigil ito sa paglalakad ngunit hindi lumingon sa kanya. Pumikit siya dahil sa pagod, ang layo ng narating nila at hindi sumunod sa kanila ‘yung tatlo. “Amsel,” panimula niya habang naghahabol ng hininga. “Bakit natin sila—” “Dorothea, makinig ka sa’kin,” galit na saad nito at nilingon siya. Sumara ang bibig niya nang makita ang ekspresyon nito, matalim ang mata nito at gumagalaw ang panga dahil sa galit. “Hindi na natin sila isasama sa’tin.” “Dahil ba sa nakita mo sa j

