Kinabukasan, pagkagising nila ay nagluto sila ng almusal. Kumain at naligo muli, tapos ay naghalungkat sa malaking bahay na iyon. Ang daming gamit doon na pwede nilang magamit. May nakuha silang mga flashlight at maraming baterya, hindi alam ni Dorothea ang iba pang nakuha ni Amsel ngunit may mga itinabi ito. Nakapagpalit din sila ng damit, as usual, parehong kulay itim ang napili nilang suotin. Sa kanya ay hoodie, at kay Amsel ay leather jacket na nakapatong sa itim din na tshirt. Ayaw sana iyon gamitin ni Amsel, ngunit siya ang nagpilit dahil bagay na bagay iyon sa binata. Para itong ‘yung mga bida sa mga action movies, matangkad ito at maganda ang tindig kaya’t bumagay talaga. Hindi niya maiwasan na kiligin habang pinagmamasdan ito. Napansin yata nito iyon dahil mula sa backpack ay

