Nakangiting napatitig si Gretel sa kaibigang si Lucas. "Salamat, Lucas." "My pleasure, sige na pumasok ka na sa loob ng kotse," nakangiting tugon ni Lucas sa dalaga, pagdakay, napasulyap siya kay Celina, hindi na naman maipinta ang mukha nito. He smiled at her. Umirap lang ito. Nailing na naupo na siya sa driver seat. Inalalayan niya kasi si Gretel na makapasok sa sariling kotse. Napasulyap si Lucas sa rearview mirror. Pinagmasdan ang nakakaawang kaibigan. Pagkatapos ay napatingin sa maamong mukha ni Celina. Hinuli niya ang isang palad nito at pinagsalikop iyon. He wanted to assure her na wala itong dapat na ipagselos. Ang totoo, nag-enjoy siyang makita na nagseselos ang maganda nitong mukha. Damn! "Be considerate, sweetheart." Pinipigilan ni Celina na magtaray sa lalaking katabi. Damn

