Pagkatapos uminom ni Gretel ng gatas ay nagpasya na siyang tumayo. Gusto niyang maglakad-lakad sa hardin. Nang makita niya ang Gazebo kung saan naroon ang swing naisipan niyang magtambay doon. At napangiti siya nang makita ang isang ukulele. Binati siya ng ilang mga naroon na tila inaalagaan ang mga ilang mamahaling bulaklak. May nagdidilig ng mga halaman at nag-aayos ng mga paso. At napansin niya ang ama ni Lovely na isang hardinero ng mga Montenegro. Naalala niyang sinabi sa kanya ng dalagita na hardinero ang ama nito. Naupo siya sa may swing. Nililipad ng hangin ang ilang mga baby hair niya. Pansin niyang napakaganda ng naturang lugar. May sariwang-hangin at may mababangong bulaklak. Nagulat siya nang mapansin niyang papalapit sa gawi niya si Celina. Nang tuluyan na itong makalapit sa

