Damn! Kailangan niyang magpanggap na hindi niya nakikilala ang binata. Napasulyap siya sa kinaroroonan nina Celina at Lucas. Pagdakay napasulyap siya sa isang magandang Ginang na sa tingin niya'y ina ni Celina? Pasimpleng ibinaling niya ang tingin sa babaeng kasama ni Zairus. Lihim siyang nasaktan, palibhasay ito ay nawaglit sa kanyang alaala. Kung maaalala lang niya ang babae, hindi siya makaramdam ng ganoong sakit. Dahil nga may temporary amnesia siya, all she need to do is to face all the consequences. Lumapit siya kay Hercules at Celina. "Kailangan kong magpanggap na hindi ko siya nakikilala, please guys. I want the both of you to cooperate with me," pakiusap ni Gretel. Si Celina na kahit na nalilito ay napatango. Si Lucas ay napangiti at nailing. "If that's what you want, so be it,

