Paano na lang ang anak niya na nasa sinapupunan niya ngayon? Damn! Muli, inayos niya ang kanyang maamong mukha. Matapang siya hindi ba? Kailangan niyang magpakatatag. Isa lang naman ang paraan. Ang tanggapin ang sakit at mag-move-on. Nag-retouch na lamang siya. Sisiguraduhin niyang blooming siyang tingnan. Pagkatapos ay napahaplos sa maliit niyang tiyan. Pero bakit wala naman yatang laman ang tiyan niya? Niloloko ba siya nina Lucas, Aialyn at Hercules? Dahil ang alam niya buntis siya. Hindi kaya—nakunan siya? Hindi lang sinasabi ng mga ito sa kanya dahil takot ang mga ito na masaktan siya? Damn! She need to confront them. Hindi siya papayag na wala siyang alam. Pero, agad rin niyang naalala ang sabi ng kanyang neurologist doctor na hindi pwedeng i-pressure niya ang sarili na maalala ang la

