Ilang beses na ba niyang napapansin ang tila peklat sa kanyang bandang may puson. Kasalukuyan siyang naliligo. Maingat na hinaplos niya iyon. Naaksidente ba siya dati? Hindi kaya kasali ito sa aksidenteng kanyang natamo nang magkaro'n siya ng temporary amnesia? Pagkatapos maligo ay agad siyang nagbihis. Pagdakay bumaba na siya sa living room. Natagpuan niya si Celina na tila balisa at panay pabalik-balik ng lakad. Tumikhim siya para agawin ang atensyon nito. Napasulyap ito sa kanyang gawi at nilapitan siya nito. "Gretel, there's a bad news. N—nakunan si Alina. Namatay ang isang sanggol na nasa kanyang sinapupunan," malungkot na saad ni Celina. Niyakap ni Gretel ang malungkot na si Celina. "I'm so sorry, kung hindi sana dahil sa'kin ay hindi mangyayari iyon. Patawarin niyo ako," malungko

