Agad na pinangko ni Lucas si Celina at dinala sa ospital. Damn it! Kailangan niya itong dalhin at baka mapaano pa ito. Buntis pa naman ang kanyang fiancee. Nakasunod lang sa kanya si Gretel. "Just stay right here, dito ka lang. I want you to relax. Ayokong ma-pressure ka, okay? Isa pa, alam kong hindi pababayaan ng Dios ang aking mag-ina." "Ikaw ang masusunod. Ipanalangin ko na lang ang safety nila. I am terrified sa balita," nanlulumong tugon ni Gretel. "Ako man," malungkot na tugon ni Lucas habang mabilis na tinungo ang garage. Naiwang lumuluha si Gretel. Sh*t! Hindi siya makapaniwala sa mga pagsubok na dumating sa dalawang sina Lucas at Celina. Nakakatakot, paano kung sa kanya iyon nangyari? Damn, hindi niya yata iyon kakayanin. Ngunit, kung kasama mo naman ang Dios sa kapighatian, al

