Hindi na nga nakayanan ni Gretel ang sarili at nagmamadali siyang tumayo at tinungo ang sink. Damn! At doon siya nagsusuka. Sa ganoon siyang tagpo nang maabutan ni Thirdy. Tila nanghihina si Gretel. Sh*t! Muli, nasuka na naman siya. Argh! Kunot-noo na nakamasid lang si Thirdy sa nagsusuka na si Gretel. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bilugan nitong hita. Palibhasay nakatalikod ito sa kanya. Kitang-kita niya na hindi maganda ang pakiramdam nito. Imbes na magmukmok siya sa bar, he decided to visit the grapes production. Medyo nakainom siya, hindi niya alam kung bakit siya pumasok sa opisina ng dalaga ng walang paalam. Gulat na napalingon si Gretel sa lapastangang pumasok sa kanyang opisina. At dahil medyo nahihilo siya, hindi niya gaanong maaninag ang estranghero. "W—who are you?"

