"Hindi ka pa rin nagbabago, suplado ka pa rin," saad ni Gretel sa binata. "Ayusin mo iyang tanong mo. Napaghahalataan kang ako lagi ang nasa isipan at napapanaginipan mo," seryosong tugon ni Thirdy sa dalaga. Pinipigilan niya ang ngiting pilit kumakawala sa kanyang maninipis na mga labi. Damn! "Iyon nga, palagi ka na lang nasa isip at puso, ko" walang-gatol na ani ni Gretel sa binata na halos walang-preno ang bibig. Agad din niyang tinakpan ang sariling bibig. "I mean, hindi, a!" Tumaas ang sulok ng labi ni Thirdy sa narinig. Ngunit ang tingin a weekly nasa kalsada. Sa malas ay muntik na silang mabangga. What the heck! Narinig niya ang matinis na sigaw ng dalaga. F*ck! "Kumapit kang mabuti at lilipad tayo," biro ni Thirdy. Damn! Muntik na siyang mabingi sa malakas nitong sigaw. "W—wha

