Pansin ni Gretel ang hindi maipintang mukha ni Celina. Damn! Hindi siya manhid para hindi makita ang kakaibang sakit na may halong galit sa magandang mukha na iyon. Napayuko siya. "I told you, Lucas." "Kakausapin ko siya," ani Lucas sa kanya. "Ikaw ang bahala, pero sabihin mo lang sa'kin kung sakali mang komplikado na. Handa akong makausap siya," sagot niya sa binata. "Manang, please guide her to the guest room," utos ni Lucas sa isang katulong. Agad naman itong lumapit sa kanilang gawi. "Good evening, ma'am. Sumunod lang po kayo sa akin, ihahatid ko po kayo sa guest room." "Salamat," tanging sagot ni Gretel. Napangiwi siya sa sakit sa pagitan ng kanyang hita. Damn! Ang hapdi talaga. She bite her lower lip. Muli, naalala niya ang nangyari sa kanila ni, Z. F*ck, ano kayang naisip no'n?

