Narinig ni Gretel ang pagtatalo nina Celina at Lucas. At ngayon niya lang napansin na talagang lutang nga siya kagabi. Ngayon niya lang napansin na nasa Lapyahan pala sila. Damn! Natakam siyang kumain ng ilang mga seafoods. Inayos niya ang suot na fake baby bump. Damn! Pakana iyon ni Lucas. Pero siya pa rin ang nagsinungaling. Tinulungan lang siya ng kaibigan para sa kaganapan ng kanyang pagpapanggap. Makalipas ang ilang saglit ay napansin niya ang pag-alis ni Lucas. Maybe, magpapalamig iyon ng ulo. Tumayo siya mula sa kinaupuang silya. Alam naman niyang babalik din iyon. Gusto niyang maglakad-lakad sana sa tulay pero agad ding nagbago ang kanyang isipan nang maramdaman ang panginginig ng kanyang tuhod. Sh*t! "Good morning, ma'am. Breakfast na po kayo? Pasensiya na po sana kayo sa inasal

