Pagkarating nila sa mansion ay agad na umibis si Gretel mula sa kotse. Narinig pa niya ang tawag ni Thirdy pero hindi niya iyon pinansin pero naririnig niya ang ilang yabag nito na sinusundan siya. Hinarap niya ito. "Ano na naman?!" inis niyang tanong rito. "Gusto kong makita si Tharia," seryoso ang mukha na tugon ni Thirdy. "At bakit?!" sarkastikong tanong ni Gretel. "Dahil may karapatan akong alagaan din siya. Anak ko siya kahit ano'ng gawin mong pagsisinungaling, Ms. Gomez lumilitaw pa rin ang dugong Del Fuego niya. Oras na malaman kong pinaglalaruan mo ako. Tandaan mo, kaya kong kunin ang dalawang anak ko sa'yo, uubusin ko ang yaman ko makuha lamang sila sa isang sinungaling na tulad mo!" Dahil sa punong-puno na sa inis at irita si Thirdy, iyon na ang binitiwan niyang salita. At to

