Bago pa man mapa-DNA test ni Celina sina Thirdy at Tharia naunahan na siya ni Thirdy. Pero mas wais si Gretel. Kasalukuyang nasa isang ospital siya na kakilala ng mga Del Fuego. Ang Montenegro Hospital. "Are you sure?" paniniguro pa ni Lucas kay Gretel. "I am, Lucas. He didn't deserve to know the truth," inis na tugon ni Gretel sa kaibigan. "P—pero Gretel, bakit?!" gulat na tanong ni Celina sa kanya. "Is it because of his bad treatment upon you?" "Sinabi mo nga, Celina. Hindi mo alam kung ano'ng mga pinagdaanan kong mga insulto sa kapatid mo. This is how I will repay him. Wala siyang karapatan na alamin ang katotohanan. Hayaan natin siyang mabaliw sa kakaisip." Napasinghap si Celina. Wala na siyang magagawa, desisyon na iyon ng ina ng kanyang pamangkin. Siya man ay saksi sa ilang mg

