" We have many definition of "love" it depends on how people find it and feel it " sambit ng guro sa aking harapan
Yeah, bawat tao may iba't ibang depinasyon sa salitang " pag-ibig" at karamihan ay sinasabing ito ay tungkol sa pag mamahal mo sa isang tao . For me, love is the most secure feeling. Love is having a companion, best friend, lover, partner, sounding board, cheerleader, advisor, and cuddle buddy through every avenue in the journey of life.
If I will love someone siguro I will choose the man that is educated.
Natigil ang pag iisip ko nang marinig ko ang surname ko na tinatawag ng guro sa harapan hala shet.
" Ms. Valleta , why are you smilling there? Is there something you can share with us? " sita sa akin guro dahil hindi ko namalayaan ay nakangiti pala ako habang iniisip ano ba ang gusto ko sa isang lalake
" I'm sorry Ma'am , I'm just thinking something " agad kong sagot sa kanya
" Okay , so stand up "
Agad akong tumayo at kinakabahan kung ano ang ipapagawa niya , tanga tanga mo talaga kase self eh alam mo na seryoso discussion niya ngiti ngiti ka
" So, Ms Valleta in your own perspective how do you define love?" tanong nito sa akin
Saglit akong nag isip at ibinuka ang aking bibig
"For me, love is the most secure feeling. Love is having a companion, best friend, lover, partner, sounding board, cheerleader, advisor, and cuddle buddy through every avenue in the journey of life." sagot ko basic naman kanina pa yan nasa utak ko eh
" That's excellent , last question can you describe what is your idea man? "
What the Fudge ?
" What Ma'am?" kabado kong tanong dahil baka nabibingi lang ako
" I said , can you describe what is your idea man?"
Saglit ako nag isip at ibinuka ulit ang aking bibig
" Siguro man if I would love someone gusto ko po yung educated . I mean knowledgeable po yung tutulungan ako sa studies and career na gusto ko. Hindi ko po gusto ng gwapo dahil hindi naman po ako maganda hahaha " sagot ko na may kasamang pait na tawa sa dulo
" Gusto ko lang po yung may goals para sa sarili niya , para sa akin at sa future namin. Lastly alam yung mga responsibility niya. Ayun lang po Ma'am ." dagdag ko pa
Tumango tango naman ang guro
" Nice answer , sa susunod wag mag daydreaming sa klase na animoy ikaw lang ang tao na narito okay? " sabi sakin ng guro habang tumatawa sinundan naman ito ng tawa ng mga kaklase ko lalo na itong katabi ko akala mo hindi best friend kung makatawa . Tsk mga masasama ugali Lord help me chaaar
" Okay class goodbye"
" Goodbye" sabay sabay naming sabi ng mga kaklase ko
Inaayos ko ang gamit ko nang biglang hinampas ako ng katabi ko na bruhaa
" Hoy ! Ikaw sino nanaman pinagpapatansyahan mo sa w*****d at pangiti ngiti ka pa kanina habang nagtuturo si Ma'am" natatawang tanong sakin ni Ana , siya ang best friend ko since last year hanggang ngayon Grade 9 na kami
" Tse! Wala ako pinagpapantansyahan tagos lang sa puso ko ang discussion kaya ako nakangiti " sagot ko dito habang hinihimas ang parte na hinampas niya
Uwian na madilim na dahil 7 pm ang uwian naming mga panghapon . Tulakan dito tulakan doon ang eksena pag gantong oras dahil makipot ang pathwalk na dinadaanan namin bago makalabas sa eskwelahan ng gate.
" Araaay naman tangina naman kase oh " sigaw ni Ana palengkera hahhaa ewan ko ba bakit ko naging kaibigan para siyang curse machine lalo na pag nagagalit mura dito at mura dun hahaha
" Sabi sayo eh mamaya na tayo lumabas " malumanay na sabi ko sa kanya
" Eeeh hinahabol natin crush mo ohhh " turo niya kay Pete na kaklase namin
Naging crush ko si Pete noong first day of school . Matangkad siya , moreno at mapupungay ang mata. Kaya since last last week lagi ko siya sinisilayan ng palihim sa klase . Waaaah sobrang hot niya kase tas ito pa napaka supportive best friend
" Ay gagi Blanche may inakbayan alaws na " sambit ni Ana habang nakaturo sa harap namin
Para akong binuhusan ng kumukulong mainit na tubig dahil sa nakita ko. Bakit nga ba ko umasa na magugustuhan niya ko at mapapansin . Ang tanga ko nanaman. Hindi ako maganda medyo kulot ang aking buhok , hindi ako maputi at matangkad , medyo malaman ako ngunit malaki ang aking hinaharap hahaha.
Naging mabilis ang araw dalawang linggo na pala simula nang pasukan halos bahay school lang ako. Marami pinapagawang activity dito activity doon. Lagi pa rin kami ni Ana magkasama tuwing recess ngunit pagtapos ng recess ay magkalayo na ang aming upuan malapit ako sa upuan ni Pete. Hindi ko na siya gaano tinatapunan ng tingin simula noong nakita namin siya may kaakbay na babae
*Ting* tunog ng cellphone ko na
Nakaupo ako ngayon sa tapat ng lamesa at tinatapos ang mga assignment ko nang tumunog ang cp ko dali dali ko itong binuksan at nakita ang chat ng bruha
From : Ana
Blancheeeeee tapos kana sa AP? Pakopya naman bff naman tayo hahaha
Me: Wow ah hahahha
Me: Blanche send a pic.
Sinend ko sa kanya ang natapos ko at dali daling pinatay ang cellphone . Gabi na pala ngunit may isa pa akong gagawin sa mapeh namin. I hate to draw pa naman hindi ko hilig dahil laging pangit ang kinalalabasan ng drawing ko
*Ting*
*Ting* napatingin ako sa cellphone ko at binuksan ulit ito
From: Ana
Tenchuuuuu wuv u
May saltik talaga tong babaeng to inalis ko ang screen sa chat niya at tinignan ang isa pang notification
Chanceux Montero sent you a friend request
Wow ang angas ng name ah ! Agad ko tong inistalk kung gwapo
Ay poteeeek ito si kuyang nagtitinda ng mantika , tuyo , at ilog sa may palengke ah tas nung bumili ako tagal ibigay binili kong mantika kase nakatingin sa dumadaan na babaeng sexy.
Tinignan ko ang nga pic niya . Nakatingin lang siya camera at ang matured na ng mukha niya siguro nasa 20's na to si kuya mantika. Pero gwapo siya para sa akin tinignan ko pa ang ibang pic niya at may tatoo siya sa braso , kamay , binti at dibdib.
Nakakatakot naman. Pero gwapo pa rin siya at pag nakangiti ay nawawala ang mata jusko selfff ano na
You accept this friend request
Dahil nga sa curiosity ko ay inaccept ko siya. Babalik na sana ako sa ginagawa ko nang may magchat
From: Chanceux
Hai
Wtf? Ano yan Hai ? Daw amp jejemon hahahahhaa at dahil buang ako sinagot ko siya
Me: Elow poe
inintay ko saglit ang reply niya at napatawa sa kalokohan na ginagawa ko
*Ting*
From : Chanceux
Taga san ka ?
Me:
Lychee
From: Chanceux
Magkalapit lang pala tayo. Taga mango lang ako
Me:
Ikaw ba yung nagtitinda sa palengke ng itlog?
From: Chanceux
Oo kilala mo ko?
Me:
Oo , ikaw yung binilhan ko ng mantika tapos nakatingin sa babaeng sexy na dumaan hahahaha
From : Chanceux
Hahaha
Hindi ko na siya sinagot at inayos na ang aking mga gamit at nagpatuloy sa ginawa
" Get a piece of a paper " bulyaw ng guro namin sa Ap
" Ano last week ko pa binigay ang assignment pero halos karamihan sa inyo ay walang gawa " galit na galit nitong sigaw
Second week palang ng klase pero karamihan sa mga kaklase ko ay pasaway halos nasa lower section na kase kami and balibalita na nirumble lang ng SSG ang sections ng bawat students kaya may matataas na grades na napunta sa lower.
" Ano ! Nag uumpisa pa lang ang klase pero" dagdag nito at hindi na natuloy ang sasabihin nang may umagawa ng pansin sa may bandang pinto
" Excuse me po" sambit ng isang lalake na nasa pinto
Kulot at hindi gaano katangkaran ang lalake. Kung titignan mo ito ng mabuti ay may itsura to. Maganda rin ang pag kakatayo at pag galaw nito.
" Yes? Anong kailangan mo?" sagot ng guro namin
" Dito po ba ang section Lithium? "
" Oo bakit? "
" Sorry Ma'am late na po ako nakapasok galing po kase akong province pero nakausap ko na po ang guidance " confident na sagot nito
Pinasok na siya ng guro at pinagpakilala bago maghanap ng upuan
" Good afternoon , My name is Ace " walang takot at maskulado nitong pagpapakilala
Dumiretso siya sa dulong upuan namin ni Ana kaya ito ay naging katabi niya . Nagpatuloy ang klase ngunit habang nag didiscuss ang guro ay nag iingay ang mga kaklase ko
" Ma'am opoo!"
"Hindi Ma'am "
Kinalabit ako ni Ana at itinuro ng pasimple ang bagong kaklase namin .
" League of legends " paulit ulit na bulong ni Ace at parang hindi mapakali gumagalaw galaw ang paa at bulong bulong ulit
" Ang weird gagoo hahha " bulong ni Ana sakin
" Ano daw? Hahaha!" sagot ko
" Tanga league of legends daw ! Adik amp "
" Wag ka maingay baka magalit " sabay hampas ko ng mahina kay Ana