Prelude
" Hindi na kita mahal "
" Ayoko ko na tapos na tayo"
Kasabay ng pag sambit niya ng mga salitang ito ay ang pagbagsak ng ulan at mga luha sa aking mata.
Saksi ang buwan at ulap sa pagmamahalan sabay naming binuong dalawa kahit ito ay itinago namin. Ipinaramdamn niya sa akin ang pagmamahal na kailangan ko sa mga panahong ang g**o ng buhay ko.
"Paano pa kita mamahalin? " matigas na sambit niya habang nakatungo sa sahig
Binuka ko ang aking bibig ngunit wala akong mahanap na salita. Katapat ko siya ngayon sa daan na aming paboritong daanan suot ko pa ang aking uniporme na basang basa na dahil sa ulan.
Nakatitig lamang ako sa katawan niya ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dahil alam ko hindi na ito tulad ng dati. Hindi na ito yung mga matang aking nakasanayan na sa bawat tingin sa akin ay ramdam mo ang pagmamahal niya dahil ngayon ito ay parang patay at walang emosyon.
Basang basa na rin ang sando niya na hapit na hapit sa katawan niya . Kitang kita ang mga tatoo sa kanyang kamay , dibdib , at binti.
Hindi ko akalain na susuko na siya sa lahat ng pinag daanan namin siguro nga hindi ako sapat. I'm not matured enough para suklian ang pagmamahal niya .
" Tigilan mo na ko hindi na kita mahal "
Lumakad na siya palayo at hindi na muling lumingon sa akin . Masakit ang sakit sa puso. Napaluhod na lang ako sa sahig walang pake kung sino man makakita sakin.
" Paalam Chanceux"
bulong ko at dahan dahan tumayo at lumakad palayo dala dala ang sakit at ala- ala naming dalawa.