Santiago’s POV Kampanteng nakaupo ako sa isa sa dalawang silya nito kaharap ng kanyang lamesa, sinadal ko ang likod ko sa sandalan habang nakadekwatro. Nilalaro ng hintuturo sa kaliwa kong kamay ibabang lalabi ko, habang ang kanang kamay ko’y nakahawak sa litrato ng lalaking gustong paimbestigahan ni Chairman. Magkasalubong ang mga kilay ko habang nakatitig sa litratong hawak. Nakita ko na sa personal ang kakambal ni Chairman na babae, tangina ang ganda! Infairness, may itsura rin naman ang loko, mas gwapo nga lang ako, lamang ng mga apat o limang paligo, ganun. Ba’t kaya niya iniwan at ngayon hahabol-habol, yun nga trabaho ko ‘di ba? Kastigo ko sa sarili. Palpak siguro ang ipinalit, salamat na rin at nagkaroon uli ako ng trabaho kay Chairman, sarap pa naman katrabaho itong amo ko na to

