Ewan ko kung anong meron sa taon na ito at sunod-sunod ang kalbaryo ng mga kaibigan ko. Inatake sa puso ang daddy ni Gabby mabuti na lamang at nakarecover ito agad. Sobrang pasalamat namin ngunit humalili ang biglaang pagpapakasal nito kay Nicco. Hanggang ngayon palaisipan pa rin para sa amin ang biglaang pagpapakasal nito kahit sabihin pang gusto nitong maihatid ng kanyang ama sa altar bago man lang ito mawala, pero kahit ano pa man ang dahilan nito ay nirerespeto naming lahat ang desisyon niya. Nathan left a letter at my condo. He slid it at the bottom of my door but the letter wasn’t for me but his best friend, Gabby. The next day, sa mismong kasal ni Gabby, binigay ko ang sulat ni Nathan para sa kanya kasabay ang pagkawala ni Nathan. Hindi lang si Gabby ang nasaktan kundi pati ang

