Lakad takbo ang ginawa ko pabalik ng HGC. ‘Di ko alam kung bakit apektado pa rin ako sa presensya ni Inigo lalo na ng sabihin nitong baka may pagtingin pa ako sa kanya kaya sobra pa rin ang galit na nararamdaman ko para dito pero talaga lang ha? Gago ba siya o sadyang nakakabobo ang pagiging manloloko? Sino bang hindi magagalit sa panggagago niya? Seven years and he just threw it away that easy, na para bang maikli lamang yung panahong pinagsamahan naming dalawa, na para bang naglalaro lang siya, na para bang ‘di niya ko minahal at ‘di kami nag laan ng oras, araw, buwan at taon na dalawa. Ang haba ng panahong pinagsamahan namin pero ganun na lamang kung itapon niya. Gago! Gigil na pinunasan ko ang luhang ayaw paawat sa pagpatak habang papalayo sa kanya. Naiinis na ako! Bakit ba ako umiiy

