Chapter 7

789 Words
"Ay sorry nadulas." nahihiyang saad ko habang nakatingin sa mama ni Drake na ngayon ay palipat-lipat ng tingin sa akin at kay Drake. Siguro naguguluhan parin siya hanggang ngayon dahil sa mga pinagsasasabi ko. "Hindi pa po ba naikikwento sa inyo ni Drake ang nangyari? tanong ko kay tita kaya mabilis naman akong binatukan ako ni Drake. "Alam mo namang wala akong malay kanina eh."sabi naman nito kaya napatango nalang ako. May point nga naman siya. "Kasi ganito po iyon tita, may nagtutok po sa akin kanina ng kutsilyo tapos niligtas po ako ng anak niyo pero sa huli siya po iyong niligtas ko kasi napakalampa ng anak niyo. the end!"pagkukwento ko kaya napailing na lamang si Drake habang nakahawak sa kaniyang noo. Naistress ata lalo pero ngumiti lang ako kasi kung hindi siya dumating kanina pa siguro ako pinaglalamayan. Laking tulong din kasi siya iyong binugbog at hindi ako. "Pero huwag po kayong mag-alala kasi gwapo naman ang anak niyo." dagdag ko na ikinangiti naman ni Drake. Agad naman itong napasimangot ng maramdaman ang sugat sa gilid ng kaniyang labi. "Gwapo lang ang ambag." bulong ko pa kaya napahawak na lamang si Drake sa kaniyang noo. "Anak magpahinga ka kasi muna." sabi naman ni Tita kaya tumango naman si Drake. Mabilis ko naman siyang inabutan ng tubig dahil nanunuyo na ang kaniyang mga labi. "Salamat." sabi naman nito kaya tumango naman ako. Masaya naman kaming pinapanood ng kaniyang ina nang biglang may umutot. "Drake ang baho ah!"naiinis na sigaw ko habang tinatakpan ang aking ilong. Amoy tae na kasi iyong utot niya siguro matagal narin siyang hindi tumatae kaya iba na iyong amoy. "Itae mo nayan!" Sigaw ko pa hanggang sa hindi ko na nakayanan ang amoy kaya napatakbo nalang ako sa labas pero nagulat ako ng sumunod ang amoy ng utot. "Tita? bakit po kayo nandito?" tanong ko rito nabg makita ko itong nakangiwi habang sumusunod sa akin. Nakahawak ito sa kaniyang pwet habang nakatagilid. "Ah wala." sabi naman nito at tuluyan ng tumakbo papunta sa banyo. Agad naman akong napatakip ng aking bibig nang mapagtantong ito nga ang umutot kanina. "Hay naku Claire, lagi ka nalang gumagawa ng kapalpakan." Sabi ko sa aking sarili habang nakasandal sa pinto. Pero agad din naman akong bumagsak sa lupa ng bumukas ang pinto. "Oh Claire? Bakit diyan ka nakahiga?" Tatawa tawang saad ni Drake kaya napasimangot naman ako rito. "Kung makatawa akala mo, hindi nabugbog ah." pang-aasar ko sa kaniya kaya mabilis na nawala ang ngiti sa kaniyang labi. "Kung hindi lang talaga kita mahal matagal na kitang napatay." sabi nito kaya mabilis ko itong niyakap. "Hindi ka naman mabiro Drake!" sabi ko sa kaniya pero agad niyang ininda ang kaniyang mga sugat kaya mabilis din akong napabitaw. "Ang sakit mo namang magmahal." nakangiwing saad niya habang nakahawak sa kaniyang sugat habang paika-ikang bumalik sa kaniyang higaan gusto ko sana siyang tulungan pero itinaas na nito ang kaniyang kamay. "Sige alis na ako, hindi mo naman na ako kailangan diba?" tanong ko sa kaniya kaya mabilis niya akong hinarap. "Claire bakit ang bilis mong magtampo?" tanong niya kaya napakibit balikat nalang ako. Hindi korin kasi alam kung bakit ako nagkakaganito basta ang alam ko lang ay maganda ako period! "Hayst mga babae nga naman." bulong niya kaya agad na nangunot ang aking noo. "Ikaw kaya reglahin!" galit na sigaw ko sa kaniya kaya mabilis niyang tinakpan ang kaniyang tenga. "Easy bubuntisin pa kita." nakangiting saad nito kaya mabilis na uminit ang aking ulo.Gusto ko siyang sapakin pero hindi ko magawa dahil bugbog sarado pa siya ngayon. Siguro kapag nakarecover na siya pwede ko na siyang sapakin. Kahit isang sapak lang ok na. "Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo sa akin eh." bulong ko habang nakatitig sa kaniya. Mabilis namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Gusto kong umiyak pero pinigilan kong pumatak ang aking luha. Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko magawa dahil nandito ako ngayon sa teritoryo nila at hindi lang iyon dahil sila rin ang kumokontrol sa mga tao rito. "Hindi Claire! mahal kita!" sigaw nito at hindi niya na mapigilang lumuha habang nakatitig sa akin. "Bakit ka ganiyan Claire?Iniintindi naman kita pero bakit ganito?" sigaw nito habang sinusuntok ang pader. Mabilis naman akong napahagulgol habang nakatitig sa kaniya. Ngayon lang siya nagkaganito parang napapariwara. Gusto ko siyang yakapin at bawiin ang lahat ng sinabi ko sa kaniya pero para saan pa? Nasaktan ko na siya. "Drake wala narin namang patutungunan ito—" "Nakikipaghiwalay kaba?" tanong nito sa akin kaya mabilis akong tumango. Hahakbang na sana ako pero bigla na lamang akong nawalan ng malay. Hanggang sa dilim na lamang ang sumalubong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD